Patung-patong kaso isinampa sa nahuling Indonesian terrorist

By Jong Manlapaz November 02, 2017 - 07:17 PM

Sinampahan na ng kaso ang naarestong Indonesian Terrorist na miyembro ng Maute Group na sumalakay sa Marawi City.

Ipinagharap ng kaso ang suspek kay Assistant State Prosecutor Ethel Rea Suril sa Quezon City Prosecutors Office.

Ito ay ayun na rin kay Police Chief Inspector Maximo Sumeg-ang ng PNP Criminal Investigation and Detection Group ( CIDG).

Nahaharap si Muhammad Ilham Syahputra ng mga kasong rebellion , illegal possession of firearms and explosives at paglabag sa International Humanitarian Law.

Ito ay may kaugnayan sa pag-atake ng Maute Terrorist group sa lungsod ng Marawi simula noong May 23, 2017.

Pagkatapos masampahan ng kaso agad na ibinalik sa Camp Crame ang Indonesian terrorist at nasa pangangalaga ng PNP- CIDG.

TAGS: Abu Sayyaf, indonesian terrorist, Marawi City, Maute, Abu Sayyaf, indonesian terrorist, Marawi City, Maute

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.