Taxi, sumalpok sa tricycle na may dalang bulaklak sa Sampaloc, Maynila; 3 katao, sugatan

Sugatan ang tatlo katao makaraang sumalpok ang isang taxi sa tricycle na may dalang bulaklak sa Dimasalang Bridge, Sampaloc, Maynila mag a-alas-2:00 ng madaling araw.

Ayon sa driver ng tricycle na si Alfredo Logarta na nagtamo ng bukol sa ulo at may tama ang likod, galing siya ng Dangwa at maghahatid sana ng pasahero sa baba ng tulay ng bigla na lamang silang banggain ng humaharurot na taxi.

Nadamay din ang sakay niyang pasahero na sina Lusi Tarun Jr., at Angelo Bongat na kapwa masakit ang likod at parehong binti.

Wala namang malay ang driver ng taxi ng Angel Jonapearl Transport na nakilalang si Franklin Banagan.

Sa lakas ng pagkakatama, sira ang harapang bahagi ng taxi at basag din ang windshield nito.

Dinala naman si Banagan sa Jose Reyes Memorial Medical Center para lapatan ng paunang lunas at alamin kung ano ang kundisyon nito.

Read more...