Libreng wifi sa buong Manila South Cemetery, target sa susunod na taon
Target ngayon ng pamunuan ng Manila South Cemetery ang paglalagay ng libreng wi-fi sa buo nilang sementeryo.
Sa pamamagitan daw nito ay mas mabibigyan ng mas magandang serbisyo ang publiko at mas masasabayan ang mga kabataan na “hi-tech” na ngayon.
Ayon kay Engr. Maribel Bueza, Manila South Cemetery Administrator, pag-aaralan nila ang paglalagay ng libreng wi-fi para makapag-video call ang bumibisita dito at maipakita sa mga kamag anak nila na wala sa sementeryo ang itsura ng puntod ng yumao nilang mahal sa buhay.
Makatutulong din daw aniya ito para mas madaling makita ang kanilang website.
Maliban dito, mula sa 16 na CCTV cameras, plano rin nila itong dagdagan upang matiyak ang kaayusan at seguridad sa loob ng libingan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.