Bote ng gin, nag-iisang nakumpiska sa Bagbag Public Cemetery
Isang bote ng gin lamang ang nakumpiska ng mga otoridad sa kanilang buong araw na pagbabantay sa Bagbag Public Cemetery.
Ayon sa mga otoridad, alam na ng mga bumibisita kung anu-ano ang mga ipinagbabawal na ipasok sa loob ng sementeryo.
Sa pagtataya ng kapulisan, umabot sa 11,700 ang bilang ng mga bumisita sa naturang himlayan bandang alas tres ng hapon.
Ngunit nang magsimulang bumagsak ang ulan ay nagsiuwian na ang mga bumisita sa kanilang mga kaanak.
Pagsapit ng alas dose ng madaling araw ay nasa 250 na lamang ang mga tao sa loob ng Bagbag Public Cemetery.
Samantala, binuksan na sa regular na daloy ng trapiko ang mga kalsada sa paligid ng naturang sementeryo.
Bagaman konti na lamang ang mga dumadalaw sa Bagbag Public Cemetery, hindi pa rin nagbababa ng presyo ang mga nagtitinda ng bulaklak.
Anila, mamayang hapon pa sila magtatapyas sa presyo ng kanilang mga paninda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.