Mga babaeng sundalong nakipaglaban sa Marawi, nasa HK na

By Rhommel Balasbas November 02, 2017 - 03:33 AM

 

File photo

Nasa Hong Kong na ang ilan sa mga babaeng sundalong nakipagbakbakan sa Marawi City laban sa ISIS – inspired Maute group.

Matatandaang nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan ng all-expense paid na bakasyon ang mga sundalo matapos lamang mapulbos ang teroristang grupo.

Inanunsyo ito ng pangulo sa isang pulong balitaan sa Davao City matapos ang kanyang pag-uwi mula sa Japan.

Ayon sa pangulo, sagot ng Cebu Pacific ang flights ng mga sundalo. Habang sinagot naman ng niya ang allowance ng mga sundalo.

Samantala, sinabi rin ng pangulo na isinama niya sa Japan ang 17 battalion commanders bilang break ng mga ito.

Sa pinakahuling tala, nasa 165 na sundalo ang nasawi sa pakikipagbakbakan sa Maute terror group.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.