105 undocumented OFW mula UAE, balik-Pilipinas na

By Jay Dones November 02, 2017 - 03:05 AM

 

Nasa 105 mga undocumented Overseas Filipino Workers na ilang taong namalagi nang walang kaukulang dokumento sa United Arab Emirates ang nakauwi na sa Pilipinas.

Lulan ng isang Philippines Airlines flight, dumating ang mga OFW sa Ninoy Aquino International Airport, Miyerkules ng hapon.

Karamihan sa mga nakauwing Pinoy ay biktima ng illegal recruitment samantalang ang ilan naman ay tumakas sa kanilang mga amo matapos umanong makaranas ng pang-aabuso sa Abu Dhabi.

Ayon Office of Migrants Workers Affairss, ito na ang pinakamalaking batch ng mga undocumented OFW na napauwi sa ilalim ng Balik Pilipinas, Balik Kabuhayan program ng DFA at OWWA.

Inaasahang bago matapos ang taong ito, nasa 120 pang mga OFW na nananatili sa pangangalaga ng Philippine Overseas Labor Office sa Abu Dhabi ang makakauwi rin sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.