Mga ‘hot lumber’ nakumpiska sa Infanta, Quezon

By Kabie Aenlle November 02, 2017 - 12:37 AM

 

Nasabat ng mga pulis at tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nasa P25,000 na halaga ng “hot lumber” o mga kahoy na iligal na pinutol mula sa kabundukan ng Sierra Madre.

Ayon sa ulat ng Quezon police, narekober ng mga otoridad ang 49 piraso ng “malaruhat” at “malabayabas” na kahoy, na may estimated volume na 720 board feet.

Lulan ang mga ito ng isang L300 na Mitsubishi van na inabandona ng mga illegal loggers sa may kahabaan ng Agos river sa Barangay Catambungan sa Infanta.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng DENR office sa Real ang nasabing sasakyan pati na ang mga kahoy.

Ayon sa grupong Save Sierra Madre Network Alliance, bumalik na ang illegal logging sa Sierra Madre.

Anila, ginagawa ito sa pamamagitan ng paghagis sa mga kahoy na ito sa Agos river, na haharangin o sasaluhin naman ng mga tauhan ng mga sindikato ng illegal loggers sa babang bahagi ng ilog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.