Rubbing alcohol, ipinagbawal na maipasok sa Manila North Cemetery
Humihingi ng pang-unawa ang pamunuan ng Manila Police district (MPD) kung kinukumpiska ng mga pulis ang dalang rubbing alcohol o mga santizer.
Paliwanag ni MPD Director Chief Supt. Joel Coronel, maari kasing magamit ang isang simpleng rubbing alcohol bilang molotov bomb o iba pang uri ng pampasabog.
Maari naman aniyang makuha ang mga nakukumpiskang gamit paglabas ng sementeryo.
Samantala nanatiling maayos ang seguridad na ipinatutupad dito sa Manila North Cemetery.
Bandang alas tres ng hapon ay nasa 400,000 katao na ang nagtutungo rito sa sementeryo
Wala pa namang naitatalang untoward incident ang MPD.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.