6 na truck ng basura, nakolekta sa Manila South Cemetery
Umaabot na sa anim na trak ng basura ang basura bandang alas dos ng hapon ang nakolekta ng Department of Public Services (DPS) ng Maynila mula kaninang umaga dito sa Manila South Cemetery.
Ayon kay Nora Bodino, Hepe ng DPS, mula kaninang umaga dalawang beses nang nakapag-off load ang apat nilang unit.
Pansamantala, ipinatigil kaninang hapon ang pagpasok ng truk ng basura dahil sa volume ng tao sa loob ng sementeryo.
Bukas na nila inaasahan na makakapasok muli ang kanilang mga trak para kolektahin ang mga naipon na basura ngayong Undas.
Gayunman, sinabi ni Bodino na tuloy sa pangongolekta ng basura ang nasa 45 nilang tauhan sa buong Manila South Cemetery.
Ang mga basura na nakokolekta nila ay kanilang ikinakarga sa kanilang barge sa Bitas at saka tuluyang itinatapon sa landfill sa Navotas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.