Walang Pilipinong nadamay sa pag-atake sa New York

AP Photo/Craig Ruttle

Walang naiulat na Pilipinong nadamay sa pagsagasa ng isang truck sa downtown Manhattan, New York City.

Ayon kay Consul General Theresa Dizon-De Vega, sila ay nakikipag-ugnayan sa New York Police Department at sa kasalukuan ay wala pang ulat na may Pilipinong nadamay sa insidente.

Sinagasaan ng suspek ang mga bicycle riders at mga pedestrians sa naturang lugar.

Nasa walong katao ang namatay habang labing isa naman ang sugatan dahil sa insidente.

Nagpalabas na ang Philippine Consulate General sa New York ng abiso sa Filipino Community na lumayo sa pinangyarihan ng pag-atake.

Nagpaabot ng pakikiramay Department of Foreign Affairs (DFA) at pakikiisa sa pagkundena sa terror attack sa USA at sa mga mamamayan nito.

 

Read more...