P500 Million pondo ni Duterte para sa mga may sakit na NPA members

By Chona Yu November 01, 2017 - 03:48 PM

Inquirer file photo

Naglaan si Pangulong Rodrigo Duterte ng P500 Million para sa pagpapagamot ng mga sugatan at may sakit na miyembro ng New People’s Army (NPA).

Pero ayon sa pangulo, saklaw lamang ng libreng gamot ang mga rebeldeng magbabalik loob sa pamahalaan.

Bukod sa libreng gamot, may alok din ang pangulo na libreng pabahay sa mga rebeldeng magbababa ng armas.

Muli ring umapela ang pangulo sa makakaliwang grupo na itigil na ang pakikibaka at sumuko na lamang sa pamahalaan para makapamuhay ng normal.

Nauna nang sinabi ng pangulo na posible pa rin ang muling pag-uusap ng pamahalaan at ng CPP-NPA basta’t itigil lamang nila ang paglusob sa ilang mga vital installations ng pamahalaan.

TAGS: CPP, duterte, NPA, peace talks, pondo, CPP, duterte, NPA, peace talks, pondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.