Kahit konti ang pasahero dahil holiday, MRT, muling nagka-aberya
By Dona Dominguez-Cargullo November 01, 2017 - 10:30 AM
Muling nakaranas ng aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) ngayong unang araw sa buwan ng Nobyembre.
Sa abiso ng MRT sa kanilang twitter account, pinababa ang mga pasahero sa Quezon Avenue station southbound alas 8:23 ng umaga.
Isang tren ang nagkaroon ng technical problem kaya ang mga pasahero nito ay pinalipat na lang sa kasunod na tren.
Agad na dinala sa depot ang nasirang tren.
Magugunitang sa buong buwan ng Oktubre, pitong araw lamang na hindi nakapagtala ng aberya sa biyahe ng MRT.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.