2 patay, 3 sugatan sa rockslide sa isang resort sa Batangas

By Radyo Inquirer News Team November 01, 2017 - 09:25 AM

FB Photo

(UPDATE) Dalawa ang nasawi habang tatlo ang sugatan sa rockslide na naganap sa isang resort sa San Juan, Batangas.

Ayon kay PO1 Richard King Valenzuela, imbestigador sa San Juan Batangas police, natabunan ng gumuhong bato ang tinutuluyang kwarto ng isang magkakamag-anak sa Kota Keluarga Resort sa Barangay Laiya.

Kwento ni Valenzuela ang mga makeshift na kwarto na gawa sa container van ay katabi lang ng cliff at nasa 50 meters na mababa.

Nang maganap ang rockslide alas 2:30 ng madaling araw, bumagsak ang malaking bato sa kwartong tinutuluyan ng magkakamag-anak.

Ang tatlong mga nasugatan ay dinala na sa pagamutan na nagtamo lang ng minor injuries.

Habang ang dalawang nasawi ay nakilalang sina Maria Luisa Santos at 17-anyos na si Christopher Cruz.

Ayon kay Valenzuela, inabot ng walong oras ang retrieval operation sa dalawang biktima at kinakilangan nilang gumamit ng heavy equipment para maialis ang bato at masira ang container van upang makuha ang dalawang biktima natabunan.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Kota Keluarga, Laiya Batangas, Radyo Inquirer, San Juan Batangas, Kota Keluarga, Laiya Batangas, Radyo Inquirer, San Juan Batangas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.