Wala pang ulat na may Pinoy na nadamay sa pananagasa ng truck sa New York

By Mariel Cruz November 01, 2017 - 08:36 AM

Wala pang natatanggap na ulat ang Philippine Consulate sa New York na mayroong nadamay na Filipino nang managasa ang isang truck sa bike path sa Manhattan.

Inaalam na din ng Department of Foreign Affairs ang sitwasyon ng mga Pinoy sa lugar, at kukumpirmahin kung mayroong nasugatan o nasawi dahil sa insidente.

Umabot sa walo katao ang nasawi nang araruhin ng isang pick-up truck ang mga nagbibisikleta at tumatawid.

Dahil dito, ipinatupad na ng mga otoridad ang lockdown sa nasabing lugar sa Manhattan.

Nabaril naman ng mga pulis ang suspek at ngayon ay nasa kustodiya na nila ito.

 

 

 

 

 

TAGS: Attack, Lower Manhattan, Manhattan, New York City, Attack, Lower Manhattan, Manhattan, New York City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.