Tutulong ang Japan sa war on drugs ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa gitna ng dalawang araw na state visit ni Duterte sa Japan ay tiniyak ni Prime Minister Shinzo Abe ang patuloy na suporta sa nais ng Pilipinas na maayos na lipunan at pag-iral ng batas.
Partikular na suportado ni Abe ang kampanya ni Duterte laban sa iligal na droga sa kabila ng batikos ng international human rights groups dahil sa umanoy extra judicial killings.
Ayon kay Prime Minister Abe, ang tulong ng Japan ay sa pamamagitan ng implementasyon ng hanggang pangmatagalang hakbang kontra sa droga.
Ang suporta sa paglaban sa droga ay bukod pa sa pangakong tulong ng Japan sa paglaban sa terorismo partikular ang pagpapa-igting ng kaligtasan sa Sulu, Celebes Sea at ibang bahagi ng rehiyon.