Pickup Truck, nanagasa sa bike path sa New York, 8 ang patay

By Dona Dominguez-Cargullo November 01, 2017 - 06:45 AM

AP Photo

Patay ang walong katao nang managasa sa bike path sa Lower Manhattan sa New York ang isang pickup truck.

Kinilala ang suspek na si Sayfullo Habibullaevic Saipov na 29 anyos mula Tampa, Florida.

Maliban sa walong nasawi, mayroon pang 11 na itinuturing na “seriously injured” sa naturang pag-atake.

Matapos managasa, bumaba sa kaniyang nirentahang truck ang suspek na iqinagayway ang hawak niyang baril na kalaunan ay nadiskubreng pellet gun.

Naganap ang insidente malapit sa World Trade Center kung saan sinagasaan ng suspek ang mga nagbibiskleta at pagkatapos ay binangga ang isang school van.

Tinawag naman ni New York City Mayor Bill de Blasio ang “act of terror” ang insidente.

Pero ayon kay New York Gov. Andrew Cuomo, “lone wolf” attack ang naganap at wala namang indikasyon na ito ay bahagi ng malawak na terror plot.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Lower Manhattan, New York City, Sayfullo Habibullaevic Saipov, Tampa Florida, World Trade Center, Lower Manhattan, New York City, Sayfullo Habibullaevic Saipov, Tampa Florida, World Trade Center

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.