Ayon sa Mimaropa Police Regional Office, mabilis ang pagpapatakbo ng lalaki sa kaniyang motorsiklo habang binabaybay ang Barangay Poblacion, hapon ng Martes.
Pagdating sa may kurbada ng kalsada, aksidente siyang dumausdos sa kanang bahagi ng lane at sumalpok sa concrete perimeter fence.
Ayon pa sa imbestigasyon ng pulisya, walang papeles na bitbit ang driver na maaring pagkuhanan ng kaniyang pagkakakilanlan, at wala ring plaka ang kaniyang motorsiklong may kulay na pula at itim.
Nagtamo ng mga pinsala sa ulo at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang driver, dahilan para agad siyang masawi.
Sa ngayon ay inilagak na ang kaniyang mga labi sa Majar Funeral Homes, habang ang kaniyang motorsiklo naman ay nasa kustodiya ng Sablayan Municipal Police Station.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.