2 Islamic preachers, hinarang sa Singapore

By Rhommel Balasbas November 01, 2017 - 03:21 AM

Mr Ismail Menk (left) and Mr Haslin Baharim (right)

Hindi pinayagan ng Singapore na makapasok sa kanilang bansa ang dalawang banyagang Islamic preachers dahil labag ang mga katuruan nito sa kanilang multi-cultural at multi-religious values.

Isa sa mga preachers ay nakilalang si Zimbabwean Ismail Menk na pinagpipilitang “blasphemous” at pinakamalaking kasalanan para sa mga Muslim ang bumati sa mga hindi Muslim ng Maligayang Pasko o “Happy Deepavali” na Festival of Lights sa Singapore.

Samantala, nakilala naman ang isa pa na si Haslin Baharim na isang Malaysian at nagtuturong dapat maging sunud-sunuran ang mga non-Muslims sa mga Muslim.

Napagdesisyunan ng Ministry of Home Affairs (MHA) sa tulong ng Islamic Religious Council of Singapore (Muis), Singapore Tourism Board at Maritime Port Authority of Singapore na ireject ang kanilang pangangaral sa bansa.

Nakatakda sanang mangaral ang dalawa sa isang religious-themed cruise na naglalayag palabas at papasok ng Singapore.

Nagbabala na ang mga opisyal ng gobyerno sa mga banyagang mangangaral na may mga turong maaaring magpahamak at magpawatak-watak sa mga tao na may iba’t ibang paniniwala.

Ayon kay Religious Rehabilitation Group member Ustazah Kalthom, ang pagbati sa mga nasa ibang paniniwala sa kasagsagan ng isang pagdiriwang ay hindi nangangahulugang pagtatakwil sa nakagisnang paniniwala.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.