Inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) ang isang financier ng Abu Sayyaf Group na nasa likod rin ng kidnapping sa Sipadan, Malaysia noong taong 2000.
Kinilala ni CIDG-NCR Director SSupt. Wilson Asueta ang suspek na si Abulpatta Escalon Abubakar.
Si Abubakar ay naaresto noong October 26 sa Quezon City sa bisa ng warrant of arrest kaugnay sa mga kaso ng serious illegal detection at kidnapping.
Dati na rin siyang naaresto ng mga otoridad nang siya’y bumalik sa bansa mula sa Jedda, Saudi Arabia subalit pinalaya rin siya ng hukuman dahil sa teknikalidad.
Kasama si Abubakar sa mga miyembro ng ASG na dumukot sa may 21 mga turista noong April 23, 2000.
Si Abubakar ay kabilang din sa talaan ng mga U.S Embassy na kabilang sa mga kasapi ng teroristang grupo sa bansa.