Mga pet lovers, patuloy ang pabisita sa kanilang mga alagang hayop na nakalibing sa PAWS Animal Rehabilitation Center

By Jong Manlapaz October 31, 2017 - 07:04 PM

Kung nagsisimula ng dumagsa ang publiko sa sementeryo para alalahanin ang mga pumanaw nilang mahal sa buhay.

Sa PAWS Animal Rehabilitation Center o PARC ay nagsisimula naman magdating ang mga mga petlovers para bisitahin ang pumanaw nilang mga alagang hayop.

Sina Ele Mendoza at Ethell Padernal nanggaling pa ng Sta. Mesa, Manila at sumadya sa PARC para tirikan ng kandila ang alaga nilang mga aso na nakalibing sa lugar.

Nagdala naman ng bulaklak ang pamilya ni Marites Maestro para sa namatay nilang alagang aso.

Hindi naman mapigilan na mapaluha ni Evangeline Banaria ng dalawin niya ang kanyang alagang aso na dalawang taon ng namamatay matapos na maaksidente.

Sa kabila na ilang taon ng nakakalipas, nanatili pa rin umano ang lungkot sa kanilang pamilya matapos mamatay ang kanilang alagang aso.

Ang ganitong damdamin ay naiintindihan ng PAWS, kung kaya nagtayo sila ng memorial wall para dun alalahanin ng mga pet lovers ang mga yumao nilang alaga.

Sa memorial wall aabot sa mahigit na 200 na larawan ng mga pet ang nakalagay, samantalang aabot naman sa 400 ang nakalibing na mga hayop sa bakanteng lote ng PARC.

Maliban sa mga bulaklak at pagtitirik ng kandila, makikita din sa memorial wall ang mga paboritong laruan ng mga namatay na alagang hayop na iniwan ng kanilang minsan naging kapamilya.

TAGS: PAWS Animal Rehabilitation Center, pet lovers, Undas, PAWS Animal Rehabilitation Center, pet lovers, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.