Bilang ng mga bibista sa Libingan ng mg Bayani, inaasahang aabot sa 200,000

By Angellic Jordan October 31, 2017 - 06:49 PM

Sa kabila ng kaunting bilang ng mga bumisita ngayong bisperas ng Undas, inaasahang aabot sa 100,000 hanggang 200,000 ang bibisita sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon kay Col. Edmundo Suficiencia, commanding officer ng LNMB, posibleng bukas pa dadagsa ang mga tao dahil na rin sa nararansang sama ng panahon.

Samantala, naghandog ng bulaklak si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga puntod ng mga dating presidente ng bansa.

Ilan sa mga ito ay sina dating Pangulong Elpidio Quirino, Diosdado Macapagal, Carlos Garcia at Ferdinand Marcos.

Maliban sa kanilang mga kaanak, dumadaan din ang ilang tao para mag-alay ng dasal at magpa-picture sa mga puntod ng mga dating lider.

Samantala, nagsagawa din ng misa ang pamunuan ng libingan para sa mga nakahimlay na bayani.

Matapos ito, binendisyunan ng ilang pari ang mga ilang puntod.

TAGS: duterte, libingan ng mga bayani, Undas, duterte, libingan ng mga bayani, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.