Mga pinaghati-hating katawan ng mga tao nadiskubre sa isang bahay sa Japan

By Den Macaranas October 31, 2017 - 04:17 PM

AP

Siyam na mga pugot na ulo ang natuklasan ng mga otoridad sa isang apartment unit sa Zama District, Tokyo sa Japan.

Naaresto na rin ng mga pulis ang may-ari ng unit na si Takahiro Shiraishi na isang 27-anyos na binata.

Sa ulat ng Jiji Press, unang natuklasan ng mga pulis ang dalawang pugot na ulo na nakalagay sa isang cooler sa may sala ng nasabing bahay.

Nang kanilang halughugin ang buong unit ni Shiraishi ay nadiskubre pa nila ang ilang mga ulo ng tao.

Sa ikalawang palapag ng kanyang bahay ay natuklasan naman ang ilang bahagi ng katawan ng mga biktima.

Sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad ay kanilang sinabi na walo sa mga biktima ang babae at isa naman ang lalaki.

Bagaman inamin ni Shiraishi ang pagpatay sa mga biktima ay hindi naman niya ang motibo o dahilan sa likod ng krimen.

Bago ang pagkakadiskubre sa mga labi ay nagreklamo ang mga kapitbahay ng suspek dahil sa mabahong amoy na nagmumula sa kanyang apartment unit.

Noong una ay inakala lamang nila na nagmumula ang mabahong amoy sa sirang sewage system.

May mga body parts rin na ibinaon ang suspek sa likurang bahagi ng kanyang apartment unit sabi ng mga imbestigador.

TAGS: chopchop, Japan, Takahiro Shiraishi, zama, chopchop, Japan, Takahiro Shiraishi, zama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.