Mga sundalo na nagnakaw sa mga bahay sa Marawi City ihaharap sa court martial
Isang team ng mga sundalo ang nahaharap sa kaso matapos mahuling nagnanakaw sa Marawi City.
Ayon kay Col. Romeo Brawner Jr, deputy commander ng Joint Task Force Ranao, ang mga ito ay kinabibilangan ng isang opisyal at limang mga enlisted personnel.
Sinabi ni Brawner na ipinabalik din naman sa mga ito sa mga bahay na kanilang pinasok ang kanilang mga ninakaw.
Kaaagad din namang pinaalis sa Marawi City ang mga hindi tinukoy na sundalo na pawang mga tauhan ng Philippine Army.
Iniimbestigahan anya ang mga ito at maaring maharap sa court martial ang mga ito.
Sa ngayon nanatili namang restricted to barracks ang nasabing mga sundalo.
Nangyari anya ang insidente noong una o ikalawang linggo ng naganap na bakbakan sa Marawi City.
Tiniyak rin ng liderato ng militar na walang magaganap na whitewash sa kanilang gagawing imbestigasyon sa mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.