Sandiganbayan, kinuwestyon ang NBI sa kabiguang arestuhin ang dating Mayor ng Rizal

By Dona Dominguez-Cargullo October 31, 2017 - 12:57 PM

Kinuwestyon ng Sandiganbayan ang National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa kabiguan nitong isilbi ang warrant of arrest laban sa dating alkalde ng bayan ng Rodriguez, (Montalban) Rizal na si Pedro Cuerpo.

Sa dalawang pahinang resolusyon ng 2nd division ng anti-graft court, inatasan nito si NBI Director Dante Gierran na agad ipatupad ang arrest warrant laban kay Cuerpo na nahaharap sa anin na buwang pagkakabilanggo.

Ayon sa Sandiganbayan, April 27, 2017 pa nang ilabas nila ang arrest order at dapat agad itong ipinatupad ng NBI.

“The court hereby directs Atty. Dante A. Gierran, Director of the NBI, to cause the execution of the warrant of arrest dated April 27, 2017, and to submit a report thereon to the court within 20 days from receipt of a copy of this resolution,” ayon sa korte.

Sa rekord ng Sandiganbayan, noong 2012, hinatulan si Cuerpo ng hanggang anim buwan na pagkakakulong sa kabiguan nitong sundin ang court order na nag-aatas sa kaniyang asistihan sa building permit application ang Samahang Magkakapitbisig (Samahan).

Ayon sa korte, hindi sinunod ng dating alkalde ang kautusan ng korte dahil itinuring nitong informal settlers ang mga miyembro ng “Samahan” sa kanilang bayan.

Napatunayang guilty si Cuerpo at kapwa niya akusadong si dating Municipal Engr. Fernando Roño sa kasong paglabag sa Article 213 ng Revised Penald Code.

Napatawan din ng sampung taon at walong buwan na disqualification sa paghawak ng pwesto sa pamahalaan si Cuerpo.

Ayon sa Sandiganbayan, hanggang sa ngayon, bigo ang NBI na magsumite ng report hinggil sa pagpapatupad nila ng warrant of arrest laban sa dating alkalde.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Montalban Rizal, NBI, Pedro Cuerpo, Radyo Inquirer, sandiganbayan, Montalban Rizal, NBI, Pedro Cuerpo, Radyo Inquirer, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.