3 patay sa aksidente sa Quezon

By Mariel Cruz October 31, 2017 - 11:10 AM

Patay ang tatlo katao sa aksidente sa kalsada kung sangkot ang isang motorbike sa bayan ng Macalelon sa Quezon.

Batay sa inisyal na ulat ng pulis, binangga ng rumaragasang motorsiklo ang dalawa katao na tumatawid sa Barangay Taguin, gabi ng Lunes.

Kabilang sa tatlong nasawi ay ang rider ng motorsiklo na nakilalang si Medardo Valdez, 21 years old.

Agad na isinugod ang mga biktima sa isang ospital sa bayan ng Gumaca, pero binawian din ng buhay dahil sa mga natamong sugat.

Samantala, kritikal naman ang kalagayan ng kasama ni Valdez na binatilyo na kinilalang si Lolito Quintana.

Ayon sa mga otoridad, galing sa inuman sina Valdez at Quintana at pauwi na sana sa kanilang bahay nang maganap ang aksidente sa madilim na bahagi ng kalsada.

 

 

 

 

 

TAGS: Barangay Taguin, macalelon quezon, road accident, Barangay Taguin, macalelon quezon, road accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.