Mga lalawigan sa Eastern Visayas, inuulan dahil sa LPA

By Dona Dominguez-Cargullo October 31, 2017 - 06:50 AM

Malaking bahagi ng bansa ang uulanin ngayong araw dahil sa binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA, Northeast Monsoon o Amihan at tail-end ng cold front.

Sa abiso ng PAGASA, magdamag nang inulan ang maraming lalawigan sa Eastern Visayas dahil sa LPA.

Ang LPA ay huling namataan sa 125 kilometers East ng Surigao City sa Surigao Del Norte o nasa bahagi pa ng karagatan.

Posible itong tumama sa kalupaan sa pagitan ng Visayas at Mindanao bukas (Miyerkules) ng tanghali at bukas (Miyerkules) ng gabi kapag nasa bahagi na ito ng West Philippine Sea ay maaring mabuo bilang isang ganap na bagyo.

Dahil sa nasabing LPA, itinaas na ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa mga lalawigan ng Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte at Southern Leyte.

Orange warning level ang itinaas ng PAGASA sa nasabing mga lugar at inabisuhan ang mga residente na maari silang makaranas ng flashfloods at landslides.

Samantala, sa weather forecast ng PAGASA, maliban sa Visayas, uulanin din dahil sa nasabing LPA ang mga rehiyon ng MIMAROPA, Bicol, CARAGA, Davao, Northern Mindanao at CALABARZON.

Amihan naman ang makapagpapaulan sa Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Cordillera, Cagayan Valley Region, Ilocos Region at nalalabing bahagi ng Central Luzon.

Habang localized thunderstorms naman ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng Mindanao.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Biliran, eastern samar, eastern visayas, heavy rainfall warning, leyte, Pagasa, Samar, southern leyte, Weather in Philippines, yellow rainfall warning, Biliran, eastern samar, eastern visayas, heavy rainfall warning, leyte, Pagasa, Samar, southern leyte, Weather in Philippines, yellow rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.