16 ang patay sa magkahiwalay na pag-atake ng Boko Haram sa Cameroon at Nigeria

By Dona Dominguez-Cargullo October 31, 2017 - 06:20 AM

Labinganim na katao ang nasawi sa sa dalawang magkahiwalay na pag-atake ng mga miyembro ng Boko Haram Islamists sa Cameroon at Nigeria.

Sa Kolofata Region sa Cameroon, labing isa ang pinagpapatay ng grupo nang lusubin nila ang isang lugar sa Gouderi.

Bahagi umano ng paghihiganti ng grupo ang ginawang pagsalakay matapos arestuhin ng mga otoridad ang kanilang mga kasamahan kamakailan.

Samantala, pawang mga sibiliyan din ang tinarget ng suicide bomber sa isang mosque sa Maiduguri, sa northeast Nigeria.

Lima ang nasawi nang pasabugin ng isang lalaki ang kaniyang sarili sa loob ng mosque kung saan marami ang dumadalo sa morning prayer.

Maliban sa limang nasawi, marami pa ang nasugatan sa pag-atake.

Ayon sa mga pulis, nagpanggap na madarasal din ang suspek bago nito isinagawa ang pag-detonate ng bomba.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Boko Haram, Boko Haram Islamists, Cameroon, Nigeria, Boko Haram, Boko Haram Islamists, Cameroon, Nigeria

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.