Residential area sa Barangay Tuktukan, Taguig City, tinupok ng apoy

 

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Carlos Street, Purok 4, Barangay Tuktukan sa lungsod ng Taguig.

Umabot sa second alarm ang sunog na tumupok sa ilang mga kabahayan na gawa sa light materials.

Mabuti na lamang at mabilis na rumesponde ang mga bombero, dahilan upang mapigilan ang pagkalat pa ng apoy.

Alas-2:50 nang ideklarang under control ang sunog at tuluyan itong naapula bandang alas tres tres ng madaling araw.

Inaalam pa ng mga otoridad ang kabuuang halaga ng danyos sa naturang apoy, maging ang pinagmulan ng sunog.

Read more...