Huwag magkalat sa mga sementeryo ngayong Undas-DENR

By Kabie Aenlle October 31, 2017 - 02:21 AM

 

Nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na hangga’t maaari ay gawing malinis ang paggunita sa panahon ng Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa ngayong November 1 at 2 sa mga sementeryo.

Kadalasan kasing tone-toneladang basura ang nakokolekta sa tuwing matatapos ang Undas dahil sa mga iniiwang kalat ng mga bumibisita sa kanilang mga mahal sa buhay sa sementeryo.

Panawagan ni Environment Sec. Roy Cimatu sa publiko, iwasan ang magkalat at panatilihing malinis ang mga sementeryo.

Umapela din siya sa mga bibisita na i-segregate ang kanilang mga basura, o ihiwalay ang mga nabubulok sa mga hindi nabubulok.

Ganito rin ang pakiusap ni Rep. Winston Castelo, lalo na’t milyun-milyong tao ang inaasahang dadagsa sa mga pook libingan sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa panahong ito.

Noong nakaraang taon lang ay mahigit 1,000 tonelada ng basura ang nakolekta mula sa iba’t ibang sementeryo sa Metro Manila pa lamang.

Umabot sa 168 na truck ang kinailangang gamitin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para lamang kolektahin ang mga basura na karamihan pa ay pawang mga gawa sa styrofoam at plastic.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.