Suspek sa pagpatay sa isang Grade 10 student sa QC, hawak na ng pulisya

 

Arestado ng Quezon City Police District ang isa sa mga suspek na sangkot umano sa pamamaril at pagpatay sa isang disi-sais anyos na binatilyo sa lungsod kamakailan.

Kinilala ang naarestong suspek na si Felix Dalmacio ng Tandang Sora Quezon City na una nang nasita dahil sa sukbit nitong baril.

Ayon sa mga pulis, si Dalmacio ang pangunahing suspek sa pamamaslang sa biktimang si Kevin Realtaso, isang Grade 10 student.

Ang biktima ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding in tandem sa Bgy. Bahay Toro sa Quezon City noong nakaraang linggo.

Halos magkatugma rin ang itsura ng suspek sa inilabas na composite sketch ng pagkakakilanlan ng salarin sa krimen.

Bukod dito, sangkot rin umano sa panghoholdap ang suspek na nahaharap sa patung-patong na kaso.

Read more...