2 Lumad patay sa Bukidnon matapos tumangging sumali sa NPA
Itinuturo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang New People’s Army (NPA) na responsable sa pagpatay sa dalawang katutubong lumad sa barangay Lilingayon sa Valencia City, Bukidnon.
Ayon kay Capt. Joe Patrick Martinez, ANG tagapagsalita NG Army 4th Infantry Division, alas otso kamakalawa ng umaga nang maganap ang pagpatay kina Reymund Dayo Licanay, 21-anyos at Roy Dayo Licanay, 18-anyos, ngunit alas Singko na ng hapon na nang makita ang kanilang mga katawan.
Aniya nagpunta ang magkapatid sa gubat para mangaso at mangahoy.
Base naman sa ulat ng lokal na pulisya, dumanas muna ng matinding pananakit ang dalawa bago sila pinagbabaril at nakakuha sa lugar ng mga
Basyo ng bala mula sa AK 47 assault AT M14 rifles.
Idinagdag pa ni Martinez na bago ang pagpatay, may mga pagbabanta na sa mga biktima dahil sa pagtanggi nila na sumama sa mga rebelde.
Samantala, nagsampa na ng pormal na reklamo ang pamilya ng mga biktima laban sa mga miyembro ng Guerilla Front 68 ng New People’s Army na pinamunuan ni Alexander Llesis alyas Neo/Bagwis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.