Gastos ng Navy sa Marawi siege, umabot sa kalahating bilyong piso

 

Ibinahagy ni Philippine Navy chief VIce Admiral Ronald Joseph Mercado na umabot sa kalahating bilyong piso ang nagastos nila sa kasagsagan ng limang buwang pakikipagbakbakan sa Marawi City.

Sa ibinigay niyang assessment sa mga reporters sa sidelines ng heroes’ welcome sa mga Marines mula sa Marawi City, binanggit niya na nagamit ang pondong ito para sa ammunition at fuel.

Ito aniya ay dahil na rin sa ilang beses nilang pagpapabalik-balik para ihatid sa Iligan Island ang mga combat vehicles, artillery, bala at mga tauhan ng pwersa ng gobyerno mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Samantala, pinuro naman ng hepe ng Navy ang naging tagumpay ng mga sailors nila at nga mga Marines sa kasagsagan ng Marawi siege.

Aniya, nasa kalahati o higit pa ng kabuuang tagumpay laban sa mga terorista ay dahil sa kanilang tulong.

Ginamit kasi ang mga aerial assets ng Navy para sa surveillance at airstrikes, habang ang kanilang naval assets ay ginamit naman para sa pagdadala ng mga kagamitan at mga sundalo.

Sa 165 na nasawi mula sa panig ng gobyerno sa bakbakan, 35 sa kanila ay nagmula sa Philippine Marines.

Read more...