UST law dean Divina, umaasang hindi masasamantala ang kaso ni Atio

By Kabie Aenlle October 31, 2017 - 01:51 AM

 

Naniniwala si University of Santo Tomas (UST) Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina na tunay na may “grave injustice” na nagawa sa pagkamatay ni Horacio “Atio” Castillo III.

Gayunman, iginiit ng dekano na hindi dapat gamitin ang kaso ni Castillo para usigin ang mga inosenteng tao.

Ayon kay Divina, marapat lang na maiharap sa hustisya ang mga responsable sa pagkamatay ni Castillo.

Pero paalala niya, maituturing din na grave injustice ang paninisi base sa aniya’y “twisted logic” o maling impormasyon.

Ani Divina, isinama siya sa reklamo dahil isa siyang trustee, founding member ng fraternity, at umano’y may nalalaman sa nangyaring initiation rites na ikinasawi ni Atio.

Ngunit iginiit niya na pawang mga konklusyon base sa maling impormasyon lamang ang mga alegasyon sa kaniya dahil ni hindi matukoy ng mga complainants ang kahit isang pangyayari na magpapatunay na may nalalaman siya sa insidente.

Sa kaniyang counter-affidavit, itinanggi rin niya na nag-courtesy call sa kaniyang opisina si Atio noong September 12, at isinama niya pa ang CCTV footage ng kaniyang law office bilang patunay.

Sa kabila nito, tanging simpatya at respeto lamang ang nararamdaman niya para sa mga complainants at tuloy pa rin ang kaniyang alok na makatulong sa pamilya Castillo sa anumang paraang kaniyang makakaya.

Umaasa na lang si Divina na huwag magamit ang kaso ng pagkamatay ni Atio sa mga makasariling motibo ng mga nagsusulong ng “smear campaign” laban sa kaniya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.