Grab, hihingi na ng ID sa kanilang mga pasahero

 

Simula ngayon, hihingi na ng ID ang mga driver ng Grab Philippines sa kanilang mga magiging pasahero.

Ang bagong polisiya ng Grab Philippines ay resulta ng pagkakapaslang sa isa nilang driver ng kanyang naging pasahero kamakailan.

Sa isang e-mail na ipinadala ng Grab sa kanilang mga customer, inaabisuhan ang mga ito sa posibilidad na humingi ng identification o ID ang kanilang mga driver bago sila isakay.

Ayon pa sa abiso, partikular itong ipatutupad sa gabi o night shift.

Bukod dito, hihilingin na rin ng Transport Network Service ang eksaktong lokasyon kung saan magpapahatid ang kanilang mga customer.

Pinaigting ng Grab ang kanilang security measures matapos mapatay ang driver na si Gerardo Maquibato Jr. ng kanyang naisakay na pasahero sa Pasay City.

Sa imbestigasyon, lumilitaw na gumamit ng bogus information ang salarin upang makapag-book ng byahe sa Grab.

Read more...