Undas, posibleng ulanin dahil sa epekto ng LPA

 

Posibleng maging maulan sa malaking bahagi ng bansa sa Undas o All Saint’s Day sa November 1.

Ito’y dahil sa magiging epekto ng panibagong Low Pressure Area sa silangang bahagi ng Surigao Del Norte.

Ayon sa PAGASA, namataan ang sentro ng LPA sa layong 300 kilometro sa silangan ng Surigao City.

Inaasahang tatawirin ng naturang weather disturbance ang Visayas bago ito lumakas at maging isang ganap na bagyo sa Miyerkules, November 1.

Dahil sa epekto ng LPA, malaki ang posibilidad na maging maulap at maulan sa umaga at hapon sa Metro Manila ngayong araw hanggang bukas.

Asahan rin ang mga pag-ulan sa pag-ulan sa Quezon, Bicol, Mimaropa area, Southern Luzon at Northern Mindanao.

Read more...