Mga nagtutungo sa North Cemetery, nabawasan dahil sa ulan

October 30, 2017 - 11:46 PM

 

Kaunti pa lamang ang bilang ng mga taong bumibisita sa Manila North Cemetery ngayong gabi ng October 30.

Nagsimulang mabawasan ang mga taong bumibisita sa kanilang mga mahal sa buhay dahil sa biglang pagbuhos ng ulan sa Maynila.

Dagdag pa nito, para sa araw na ito, hanggang alas-10:00 ng gabi lamang pwedeng bumisita at pumasok sa loob ng Manila North Cemetery.

Ayon sa gwardya, ang mga mangilan-ngilang pumapasok pa sa loob ng sementeryo ay magbababa lamang ng kanilang mga gagamitin para sa kanilang pagbisita muli sa kanilang mga yumaong kaanak.

Samantala, narito ang presyo ng mga kandila at bulaklak na ibinibenta sa labas lamang ng Manila North Cemetery:

Manipis na kandila – P20 kada tatlong piraso
Makapal na kandila – P10 kada piraso
Baso – P120 kada piraso
Isang dosenang bulaklak – P1,000
Isang puraso ng bulaklak – P50
Isang basket (flower arrangement) – P200 – P500
Isang tasa/bilog (flower arrangement) – P100

Samantala, magaan pa ang daloy ng trapiko sa labas ng Manila North Cemetery.

Inaasahang bibigat ang daloy ng trapiko bukas, October 31, kasabay ng pagdami ng mga taong bibisita sa kani-kanilang mga mahal sa buhay na nahihimlay sa naturang sementeryo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.