Ayon kay PNP Chief PDG Ronald Dela Rosa, kinilala ang naturang opisyal na si Police Supt. Johnny Orme na nakatalaga sa Southern Police District.
Si Orme ay itinuro ng sumukong miyembro ng sindikato na si SPO1 Benjamin Pagaringan.
Si Pagaringan ay sumuko sa PNP matapos mapatay ang tatlo pang pulis at isang sibilyan na sangkot sa kidnapping at pagpatay kay Tan sa engkwentro laban sa PNP-Anti Kidnapping Group sa Carmona, Cavite.
Tinukoy ni Pagaringan si Orme bilang lider ng sindikato, habang isa namang Alex Gozum ang umano’y financier ng sindikato.
Ayon naman kay Sr. Supt. Glenn Dumlap, hepe ng PNP-AKG, matagal nang tumatambay sa mga casino si Orme, at nagpi-finance rin ng mga casino player, at siya ay kapartner ni Alex Gozum.
Sa ngayon, nagkasa na ng manhunt operation ang PNP upang mahuli si Orme, si Gozum at isa pang John Doe.