Abella tiwala sa kakayahan ni Roque bilang tagapagsalita ng pangulo

By Chona Yu October 30, 2017 - 09:04 PM

Inquirer photo

Kumpiyansa si outgoing Presidential Spokesman Ernesto Abella na makakayanan ni Sec. Harry Roque na gampanan ang kanyang iiwang puwesto bilang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Abella, bilang isang abogado ay nakamit ni Roque ang mga expectations ng pangulo bilang spokesman.

Karapat-dapat aniya si Roque sa puwesto at tiyak na maibibigay nito ang suporta sa mga proyektong isinusulong ng pangulo.

Matatandaang bago pa man tumulak patungong Japan, tumanggi na ang pangulo na tukuyin ang rason ng pagpapalit ng kanyang tagapagsalita.

Sa Novermber 6 ay dadalo na si Roque sa cabinet meeting sa Malacañang.

Nauna dito ay inalis ng kanyang mga kapartido si Roque bilang kinatawan sa Kamara ng Kabayan Partylist group.

TAGS: abella, duterte, Harry Roque, spokesman, abella, duterte, Harry Roque, spokesman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.