Atio Castillo hindi namatay sa hazing ayon sa lider ng Aegis Juris fraternity

By Den Macaranas October 30, 2017 - 07:30 PM

Nanindigan ang sinasabing lider ng Aegis Juris fraternity na si Arvin Balag na hindi hazing namatay ang UST law student na si Horacio “Atio” Castillo III.

Sa kanyang isinumiteng counter-affidavit, sinabi ni Balag na hindi siya pwedeng idiin sa kasong murder, violation ng anti-hazing law at obstruction of justice dahil hindi naman napapatunayan pa na hazing nga ang ikinamatay ng biktima.

Wala umanong makakapagpatunay na isinailalim sa hazing ang biktima base sa sagot ni Balag na isinumite sa three-man panel of prosecutors.

Nilinaw rin ng pangunahing suspek sa krimen na hindi rin pwedeng gamiting ebidensya ang kanilang Facebook chat dahil hindi naman ito authenticated.

Nauna nang sinabi ng Manila Police District na malinaw sa nasabing online chat kung paanong tinangka ng mga miyembro ng fraternity na itago ang kanilang pananagutan sa pagkamatay ni Castillo.

Sa kanyang isinumiteng pahayag sa DOJ, nauna nang sinabi ng isa pang miyembro ng fraternity na si Marc Anthony Ventura na si Balag ang huling miyembro ng grupo na sumuntok kay Castillo bago ito nawalan ng malay.

Si Ventura ay nasa ilalim na ng Witness Protection Progam ng DOJ.

TAGS: aegis juris, balag, castillo, DOJ, hazing, ventura, aegis juris, balag, castillo, DOJ, hazing, ventura

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.