Seguridad ng mga tsuper ng Uber at Grab tututukan ng LTFRB
Susuriin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga panukala na naglalayong siguruhin ang kaligtasan ng mga tsuper ng Transport Network Companies (TNC) gaya ng Grab at Uber.
Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, ilan sa panukala ay ang pagpapadala ng litrato ng rider sa TNCs matapos ang booking.
Sa ganitong paraan aniya, matatakot ang mga rider na may ibang motibo dahil nasa sistema ng TNC ang kanilang litrato.
Dagdag ni Lizada, isa pang panukala ay ang pagbibigay ng global positioning system (GPS) ng driver sa pamilya para matunton ang lokasyon nito.
Gayunman, aminado si Lizada mayroong mga kahinaan ang mga naturang panukala.
Dahil dito, kinakailangang makipagdayalogo sila sa TNCs para malaman ang kanilang posisyon sa usapin.
Ginawa ng LTFRB ang hakbang na ito matapos patayin ang Grab driver-partner na si Gerardo Amolato Maquidato Jr. na mga nagpanggap bilang mga pasahero.
Tinangay ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek ang sasakyan ng biktima na isang Toyota Innova na may plakang YV 7109.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.