Hindi pa rin napapasok ng Management of the Death and Missing Unit ng DILG ang bahagi ng main battle area sa Marawi City.
Ayon kay Assemblyman Zia Alonto Adiong, Spokesperson ng provicial crisis management committe hindi pa kasi tapos ang clearing operations ng mga tauhan ng Explosive and Ordnance Dispossal sa lugar.
Sinabi ni Adiong na mayroon pang 700 mga bangkay ng Maute fighters ang nanatili sa main battle area.
Sa ngayon kasi 153 pa lamang na bangkay kanilang narerecover mula sa 920 na Maute sa main battle area.
Paliwanag ni Adiong oras na matapos ang clearing ay kaagad naman itong pupuntahan ng Management of the Death and Missing upang kuhanin ang mga naiwang mga bangkay.
Plano naman ng crisis management committee na palawakin ang Makbarak Cemetery dahil sa limandaan lamang ang kapasidad nito.
Samantala, sa pinakahuling update ng SOCO mayroon pa ring 61 civilian ang kasalukuyang nawawala.