UST Law Dean nanindigan na hindi niya alam ang hazing activity ng Aegis Juris

By Alvin Barcelona October 30, 2017 - 05:23 PM

Inquirer file photo

Nagsumite na ng kanyang counter affidavit sa Department of Justice si UST Civil Law Dean Nilo Divina at personal na rin niya itong pinanumpaan.

Bagaman alas-dos pa ang nakatakdang pagdinig ng DOJ sa hazing case ni Horacio Castillo III, maagang dumating sa doon si Divina.

Sa kanyang kontra-salaysay, iginiit ni Divina na wala siyang kinalaman sa hazing kay Atio at wala rin siyang ideya nang itakda ang initiation rites.

Nanindigan ang abogado ni Divina na si Atty. Estrella Elamparo na ang hindi paglabag sa anti-hazing law ang hindi agad pagpapa-alam ng kanyang kliyente sa mga magulang ni Atio ng sinapit nito sa initiation rites.

Nilinaw din ni Elamparo na wala ring ideya si Divina kung sino ang mga isinasailalim sa hazing rites ng Aegis Juris fraternity dahil  ang ibang mga nirerecruit ng kanilang mga kasapi ay hindi naman mga estudyante ng UST.

Nagsumite rin ng kanilang counter affidavits sina Divina Law Firm senior partner Edwin Uy at ang secretary ng UST Faculty of Civil Law na si Arthur Capili.

TAGS: atio castillo, divina, hazing, Honracio Atio Castillo, UST, atio castillo, divina, hazing, Honracio Atio Castillo, UST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.