Jayjay Helterbrand nagpaalam na sa PBA

Inquirer file photo

Inanunsyo na ng 17-year Barangay Ginebra stalwart na si Jayjay Helterbrand ang kanyang pagreretiro sa PBA.

Sinabi ni Helterbrand na wala siyang pagsisisi sa pagkakasama sa koponan na nagdala sa kanya sa anim na kampeonato sa liga.

Naniniwala ang tinaguring Helter Skelter na sa edad na 41-anyos ay panahon na para iwan niya ang paglalaro sa professional league.

Hindi naman umano niya iiwan ng tuluyan ang basketball dahil posible siyang maging assistant coach ng Barangay Ginebra.

Nagkaroon lang umano ng extension ang pananatili niya sa Ginebra makaraan itong magkampeon noong nakalipas na taon.

Sa kanyang basketball career ay ilang beses rin siyang napabilang sa Mythical First Team at nakasungkit ng ilang MVP trophy sa mga idinaos na all-star games ng PBA.

Read more...