Petisyon na magpapawalang bisa sa kontrata ng COMELEC rental ng PCOS machines, inihain sa Korte Suprema

 

Inquirer file photo

Pinapawalang-bisa ng dalawang Overseas Filipino Worker sa Korte Suprema ang pag-arkila ng Commission on Election ng halos 71 libong unit ng Optical Mark Reader para sa halalan 2016.

Partikular na pinapipigil sa 41-pahinang petisyon nina Francisco Aguilar, Jr. at Guillermo Santos ang pagpapatupad ng COMELEC Resolution 9980 na nagsasaad ng paggawad ng higit anim na bilyong pisong kontrata sa joint venture ng Smartmatic T-I-M sa sa mga uupahang O-M-R.

iginiit ng dalawang petitioner na iligal ang pag-upa ng mga bagong OMR dahil nariyan pa ang mga lumang precinct count optical scan o PCOS machine na pwede naman i-update para sa halalan 2016.

Hiling nina Aguilar at Santos sa korte suprema na maglabas ng TRO o writ of preliminary injunction upang pigilan ang COMELEC na maipatupad ang Resolution Number 9980.

 

Read more...