Mga pulis na may ranggong PO1 unang tatanggap ng dagdag sahod

By Cyrille Cupino October 30, 2017 - 03:55 PM

Inquirer file photo

Doble na ang sahod ng mga Police Officers 1 ng Philipine National Police simula January 1 ng susunod na taon.

Ito ang inanunsyo ni PNP Chief Director Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa flag-raising ceremony sa Camp Crame kaninang umaga.

Ayon kay Dela Rosa, makatatanggap ng 100 percent increase sa sweldo ang mga PO1 dahil sila ang may pinaka-maliit na sweldo sa police force.

Paliwanag ni Dela Rosa, tanging mga PO1 lamang muna ang doble ang sweldo dahil sakto lang ang ibinigay na budget ng gobyerno.

Sinabi ng PNP chief na magkakaroon din ng malaking pagtaas sa sweldo ang mga pulis mula ranggo ng PO2 pataas, pero hindi ito 100%.

Matatandaang ipinangako ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis at mga sundalo na do-doblehin ang kanilang sweldo simula sa susunod na taon.

TAGS: dela rosa, duterte, po1, Salary, dela rosa, duterte, po1, Salary

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.