Kamara, hindi interesado sa panukalang buksang muli ang Mamasapano investigation

By Chona Yu, Isa Avendaño-Umali September 14, 2015 - 08:36 PM

Inquirer file photo

Sinopla ni House Committee on Public Order and Safety Chairman Jeffrey Ferrer ang ilang hirit na buksan muli ang imbestigasyon sa Mamasapano Encounter dahil sa “alternative truth” na pinalutang ni Pangulong Noynoy Aquino.

Para kay Ferrer, wala siyang nakikitang pangangailangan para magsagawa ng reinvestigation sa Mamasapano incident.

Paliwanag pa ni Ferrer, tinapos na ng Committees on Public Order and Safety at Peace, Reconciliation and Unity ang kanilang joint probe, at sa katunayan ay nakabuo na sila ng report batay sa mga statement at ebidensyang naipresenta ng mga ipinatawag na resource persons.

Hindi bababa sa tatlong pagdinig ang isinagawa na House Panels hinggil sa Mamasapano incident, kung saan kabilang sa mga pinatawag ni dating Special Action Force Chief Getulio Napeñas na iginiit na ang SAF troopers ang nakapaslang sa Malaysian Terrorist na si Marwan.

Samantala, naniniwala si Senator Bongbong Marcos Jr. na ‘cover up’ lamang ang pinalulutang na ‘alternative truth’ ng Malakanyang sa Mamasapano incident kung saan ang aide umano ni international terrorist Zulkifli Bin Hir alyas Marwan ang nakapatay dito.

Ayon kay senador Marcos, masakit para sa kanya na mas pinaniniwalaan pa ng Pangulong Benigno Aquino III ang Moro Islamic Liberation Front kaysa sa kanyang mga sariling tauhan na nagbuwis ng buhay.

Nais lamang umano ng pangulo na linisin ang kanyang pangalan maging si dating PNP Chief Alan Purisima.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.