Number coding scheme sa Metro Manila, suspendido na sa October 31 at November 1

By Mariel Cruz October 30, 2017 - 11:55 AM

Sinuspinde na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding scheme bukas, October 31 sa Metro Manila maliban na lamang sa Las Piñas.

Ito ay bilang paggunita sa Undas ngayong taon.

Bukod dito, sinuspinde na din ng MMDA ang number coding scheme sa November 1, sa buong Metro Manila kasama na ang Las Piñas.

Dahil dito, maaaring gamitin ng mga motorista ang kanilang sasakyan kahit ano pa ang huling numero sa kanilang mga plaka.

Samantala, inanunsiyo na din ng ahensya ang mga isasarang kalsada simula October 27 hanggang October 31, at November 1 hanggang November 3.

Narito ang listahan:

– Aurora Boulevard mula Dimasalang hanggang Rizal Avenue
– Dimasalang mula Boulevard Makiling hanggang Blumentritt
– P. Guevarra mula Cavite hanggang Pampanga

Narito naman ang mga isasarang kalsada simula 12:01 ng hatinggabi ng November 1 hanggang 3:00 ng madaling araw ng November 2:

– Blumentritt mula A. Bonifacio hanggang P. Guevarra
– Retiro mula Dimasalang hanggang Blumentritt Exit
– Leonor Rivera mula Cavite hanggang Aurora

Una nang idineklara ng Malacañang ang October 31 at November 1 na special non-working holidays bilang paggunita sa panahon ng Undas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.