Unang flag ceremony sa Marawi, isinagawa matapos makabalik ang mga residente ng Brgy. Basak Malutlut

Kuha ni Erwin Aguilon

Isinagawa kaninang umaga sa quadrangle ng Marawi City Hall ang flag raising ceremony, isang araw matapos makabalik ang mga residente ng Barangay Basak Malutlut kung saan nagsimula ang giyera.

Sa opening prayer pa lamang ay naging emosyonal na ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan kung saan marami sa kanila ang hindi naiwasang lumuha.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Majul Gandamra na ninais ng mga terorista na pabagsakin ang city hall pero hindi nagtagumpay ang mga ito.

Ito aniya ay dahil na rin sa mga militar sa kanilang security force na pinangalagaan ang sentro ng pamahalaan sa Marawi.

Marami rin aniyang nangyari sa nakalipas na limang buwan kaya magkahalong lungkot at saya ang kanyang nadama.

Kasabay ang flag ceremony, isinagawa din ang People’s Day sa compound ng Marawi City Hall kung saan nagbigay ng iba’t ibang serbisyo para sa mga residente ng tinaguriang Islamic City sa bansa.

Dinaluhan din ni ARMM Governor Mujiv Hataman at Assemblyman Zia Alonto Adiong ang programa at iba pang mga opisyal.

Read more...