Makapagtuturo sa suspek sa pagpatay sa driver ng Grab, bibigyan ng P100,000 na reward

By Mariel Cruz October 30, 2017 - 11:19 AM

Photo: Rex Mer Solitario

Nag-alok ang Grab Philippines ng P100,000 na reward sa makapagbibigay ng impormasyon kaugnay sa suspek sa pagpatay sa isa sa kanilang driver noong nakaraang linggo.

Ayon kay Grab spokesperson Leo Gonzales, sinuman ang makapagtuturo sa kinaroroonan ng suspek sa pagpatay sa driver na si Gerardo Amolato Maquidato Jr., ay bibigyan nila ng pabuya.

Maaari aniyang itawag sa kanila ang anumang impormasyon ukol sa suspek sa numerong 09176178731.

Sinabi din ni Gonzales na sinusuri na nila ang naging huling pasahero ni Maquidato sa pag-asang mahanap ang suspek sa krimen.

Photo: Rex Mer Solitario

Lahat aniya ng mga impormasyon ay isinumite na nila sa mga otoridad.

Sa ngayon aniya ay hindi nila masabi kung ang huling pasahero ni Maquidato ang nakapatay sa kanya dahil maraming naging booking cancellation matapos ang maisagawa ang krimen.

Si Maquidato ay namatay matapos barilin at itulak palabas ng kanyang sasakyan ng suspek na posibleng naging pasahero nito.

Isang silver na Toyota Innova na may plakang YV 7109 ang minamaneho ng biktima nang maganap ang krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.