Mga kritiko ni Duterte, babatuhin ng hollow blocks at adobe ng bagong Presidential Spokesman

By Chona Yu October 30, 2017 - 10:42 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Bagamat sa November 6 pa opisyal na mauupo bilang bagong Presidential Spokesman, ngayon pa lamang ay may pagbabanta na si Atty. Harry Roque sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Roque, kung panay pukol ng bato ang mga kritiko, tatapatan niya ito ng pagpukol ng hollow blocks at mga adobe.

Pinasaringan pa ni Roque ang mga kritiko ng pangulo na itigil na ang pambabatikos dahil nabigyan na sila ng tsansa noon na pamunuan ang bansa subalit hindi naman naayos ang mga problema.

Panahon na aniya na mag move on at tumulong na lamang para sa ikauunlad ng bansa.

Kumpiyansa rin si Roque na malabong maagaw ng mga kritiko ang posisyon ng pangulo o mapabagsak ang administrasyon dahil hindi ito papayagan ng mga taga suporta ng punong ehekutibo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.